Tulang angkop para sa Buwan ng Wika
Maari niyo po itong idownload o kaya i-modify pa. Ibinabahagi ko lang po ang tula para sa mag-aaral ko sa Filipino 3.
ANG WIKA KO
Ll Gase
Ang wika ko ay wika mo rin.
Na minana sa ninuno, ito’y sariling atin.
Taglay nito ay pagkakakilanlan,
na kailanma’y hindi mapapalitan.
May taglay na kakaibang sangkap ang wikang ito.
Yumayaman na talasalitaan,
Bukabularyong yumayabong at pasimpleng pagpapakatotoo.
Sa araw araw na gamit, sa bawat oras na sambit,
Kasabay ang mga impluwensiya, ang wikang ito’y may mithiing nakamit.
Patunay na Wikang Filipino ay patungo sa tunay na nagbabago.
Di rin nagpapahuli sa karera ng katanyagan,
Kung nahuhumaling sa salitang banyaga ang karamihan,
Andiyan ang Ingles, Niponggo at Korean,
Marami rin ang bayaga’ng wika natin ay nagugustuhan.
Ako’y may pakiusap sa bagong henerasyon.
Huwag sanang talikdan ang salita ng ating nayon.
Kung sakali man, huwag itong kalimutan,
Sapagkat ang pagmamahal sa wikang ito, dulot sa iyo ay kalayaan.
Comments
Post a Comment